Valid pa ba ang Passport ko?
Ang passport po ay maaaring magamit lamang para sa pagbiyahe, pagrerenew o pag-aapply ng working visa, o anumang transaksyon, kung ito ay mahigit pa sa anim na buwan ( at least 6 months) bago ang expiration date. Kung mas mababa na sa 6 na buwan (less than 6 months) hindi na po ito pwede magamit sa ibang opisyal na transakyon at lalo na sa pagbiyahe o pag-aapply/renewal ng visa.
Sikapin po nating alamin ang expiration date ng ating passport at mas makakabuti kung meron kayong kopya sa email o telepono ninyo. Kapag walong buwan na lang ang validity, maaari niyo nang umpisahan magrenew.
Mayroon bang fine kung expired na ang passport na hawak ko?
Wala po. Subalit ang lahat ng abala at problema na dulot nito ay inyong responsibilidad. Sikapin po nating laging valid ang ating passport para maiwasan ang anumang suliranin.
E-passport na ba ang hawak ko?
Ang mga pasaporte (kulay Maroon) na isyu ng Dubai PCG mula 2011 ay e-Passport na. Makikita ang logo ng e-Passport sa harap na cover.
Simula Agosto ng taong ito (2016), sinimulan na ang paglalabas ng bagong e-passport booklet.
Kung hindi pa e-Passport, kailan ako dapat mag renew?
Kung ang pasaporte na hawak mo ay MRRP (kulay Green) o MRP (maroon pero walang logo ng e-Passport) makabubuting mag-apply na ng appointment para sa renewal ng passport sa lalong madaling panahon.
Sa dami ng mga gustong mag-renew ng passport, ang pinakamaagang appointment ay nasa dalawang buwan na sa hinaharap (ibig sabihin, kung kukuha ka ng appointment ngayon, February 18, maaaring sa Abril o Mayo na ang pinaka maagang appointment na makuha mo).
Mas maagang kumuha ng appointment, upang maiwasan ang pagkaantala lalo na kung may mga proseso na kailangan ang passport, tulad ng pagbiyahe, renewal ng visa o may bagong trabaho, etc.
Saan ako kukuha ng appointment?
Maaaring kumuha ng appointment dito sa (http://dubaipcg.checkappointments.com/) at hindi na po sa Facebook page ng Dubai PCG.
Patuloy na isinasaayos ng Dubai PCG ang appointment system para higit itong maging mabuti.
Less than 6 months na ang validity ng aking passport at hindi ko na mahihintay ang appointment na nakuha ko dahil mas marami na ang nauna sa akin sa pagpapa appointment at kailangan ko na ang aking passport para sa emergency travel, official business, visa application, visa renewal at iba pang dahilan, ano ang maaari kong gawin?
Sikapin na kumuha po kayo ng appointment at siguraduhin na mag renew ng passport sa appointment date na nakuha, o makipag-ugnayan sa konsulado(Information Desk) para sa dagdag na payo.
Sino ang hindi nangangailangan ng passport appointment?
Ang mga babaeng buntis, ang mga Senior Citizen, ang mga may kapansanan, ang mga sanggol at bata limang taon (5 years old) pababa ay hindi nangangailangan ng appointment. Sa Courtesy Lane po kayo magtungo.
Ang mga asawa, magulang, kapatid o kasama ng mga taong exempted sa appointment system ay hindi maaaring sumabay sa exemption na ito.
Kailan dadating ang bago kong passport?
Mula sa renewal date, maaaring umabot sa 3-6 na linggo bago mailabas ang inyong passport. Ibig sabihin, pagdating ng 2-3 linggo, maaari niyo na itong i-check sa website at tignan sa "Passports Available for Release".
Hindi kailangang maghintay ng 6 weeks bago maghanap ng pangalan dahil maaaring lumabas na ang inyong passport sa mga unang listahan. Makabubuti na matapos ang 2 linggo, i-monitor na ang mga listahan na ipapaskil ng Dubai PCG sa http://dubaipcg.dfa.gov.ph/services/passports/available-for-release.
Kada linggo ay magpapaskil ng bagong listahan. Ang mga pangalan dito ay alphabetical ang pagkakasunud-sunod kasama ang Apelyido, Gitnang Pangalan, at Pangalan. Hindi mahirap hanapin ang sariling pangalan sa listahang ito. Pindutin po ang "Control F" or "F3" key upang lumabas ang search tool at doon i-type ang apelyido ninyo sa bawat listahan na bubuksan.
Wala pa ang passport ko, dumating na ang sa kasabay ko, bakit ganun?
Ang mga passports na nasa listahan ay base sa mga natanggap na passports mula sa Manila. Maaaring nauna ang pagpapadala ng passport ng kasama mo kaysa sa iyong passport depende sa printing batch doon. Wala pong itinatago o inihuhuling passport ang Dubai PCG. Ang lahat ng natatanggap ay ipinapaskil. Muli, makabubuting i-monitor lamang ang mga listahan ng mabuti.
Ano ang kailangan kong dalhin sa pag claim ng bagong passport?
Pakidala po lamang ang lumang passport at resibo. Hindi po maibibigay ang bagong passport kung wala ang lumang passport. Kung nawala ang resibo, sabihin po ito sa Releasing Area staff. Kung hindi personal na kukunin ang inyong passport, magpadala ng authorization letter kasama ng kopya ng ID ng taong kukuha nito kasama ang inyong lumang passport at resibo.