MENU

BABALA: Pekeng Trabaho at Serbisyong Kumakalat sa Social Media

Pinapaalalahanan ang mga Pilipino na naninirahan sa Dubai at Northern Emirates na huwag magtiwala sa lahat ng mga post na nag-aalok ng trabaho o serbisyo sa mga social media sites tulad ng Facebook.

Ayon sa Philippine Overseas Labor Office - Dubai, laganap ang mga post o mga advertisement sa social media na nag-aalok ng mga trabaho na nagpapanggap na mula sa mga lehitimong kumpanya o negosyo sa UAE o sa ibang parte ng Middle East, mga lisensyadong recruitment agencies sa Pilipinas, o di kaya’y mula mismo sa POLO Dubai.

Binabalaan ng POLO Dubai na ang mga ganitong uri ng posts ay labag sa kautusan ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) at ang mga account na ito ay pinapatakbo ng mga scammers at masasamang-loob na indibidwal o grupo. Ang mga job portals rin na nakasaad sa mga social media posts na ito ay ilegal.

Upang makasiguro na ang job offer ay totoo, hinihikayat ng POLO Dubai ang mga tao na gamin ang POEA Verification System sa POEA website (www.poea.gov.ph) o mag-email sa POEA Information Center sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .

Hinihikayat din ng POLO Dubai ang public na i-report kaagad sa kanila ang mga kahina-hinalang recruitment activities sa Operations and Surveillance Division sa pamamagitan ng pag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..

Maaaring makipagugnayan sa POLO Dubai sa hotline bilang (+971) 506526626 at sa pamamagitan ng email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. and This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..


Dark Green and Red Public Service Announcements Instagram Post 1