Ang lahat ng mga Filipino sa Dubai and N. Emirates na maaaring makinabang sa programang Amnesty na ipinagkaloob ng United Arab Emirates ay inaanyayahang tanggapin ang kapakinabangang ito.
ANO: Amnesty/ Libre o walang kaukulang bayad na penalty para sa mga illegal na Filipino na nasa Dubai and N. Emirates. Ang mga tatanggap ng amnesty ay kinakailangang bumalik sa Pilipinas.
PARA KANINO: Mga Pilipino na naririto sa Dubai at N. Emirates na hindi nagtataglay ng kahit anong visa/walang bisa (non-visa holder), visa na matagal ng paso (long expired visa). Hindi kasama ang mga Pilipino na may pending criminal case.
KAILAN: 4 December 2012- 3 February 2013 (60 days)
PAANO:
- Magtungo sa Consulate General of the Philippines sa Al Qusais upang masiguro na ang inyong pasaporte at Travel Document ay valid at maayos. Kung wala kayong pasaporte/ Travel Document, higit na dapat na magtungo sa Consulate General.
- Ayon sa balita, mainam rin na may dala ng valid travel ticket pauwi ng Pilipinas. Ito kasama ng inyong valid na pasaporte/ Travel Document ang inyong kailangang dalhin sa Residency Department kung saan ang inyong visa ay ipinagkaloob (where visa was originally issued).
- Magtungo sa Residency Department ng kaukulang Emirate
- Dubai – Al Aweer
- Sharjah – General Directorate for Residency and Foreigners Affairs
- Khor Fakkan – The Office of Naturalization and Residency
- RAK- General Directorate of Residency and Foreigners Affairs in Al Hamra Island
- Ajman – General Directorate for Residency and Foreigners Affairs
- Umm Al Quwain – General Directorate for Residency and Foreigners Affairs
- Fujairah – General Directorate for Residency and Foreigners Affairs
- Ang General Directorate for Residency and Foreigners Affairs ay magsasagawa ng proseso para sa inyong pag-uwi sa Pilipinas. Ito ay maaaring kasama ng iris scan at finger prints upang matiyak na walang pending criminal case laban sa inyo.
- Ayon din sa balita, ang mga nagnais na ipagpatuloy ang pagtatrabaho dito sa UAE, kinakailangang bayaran ang buong penalty o fine para maka apply ng malinis na visa.
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 800 5111.