MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 645

c feb12 1   c feb12 2   c feb12 3   c feb12 4

 

27 January 2012 – The officers and staff of the Consulate General of the Philippines attended the Bayanihan Festival sponsored by Filipino Community Dubai-NE held at Zabeel Park today.

Dubbed Fiesta in Dubai, the event was filled presentations from various clubs, palarong Pinoy, original Filipino Music (OPM), raffle draws, and more. The highlight of the activity was the appearance of singer Rachelle Ann Go.

The message of the Consul General follows:

Sa mga minamahal kong kababayan!

Ako ay kasama ninyong nagagalak sa pagdiriwang na ito ng Bayanihan Festival na may temang Fiesta in Dubai. Angkop na angkop ang gawain at temang ito sa ating mga Filipino na kilala sa damdaming bayanihan at pagsasaya sa panahon ng mga pista.

Ang damdaming bayanihan ay muli at muli nating ipinakikita at namamalas lalo at higit sa mga panahon ng pangangailangan. Naipakita natin ito sa panahon ng repatriation ng mga Filipino mula sa Libya. Malaki ang naging pananagutan na ginampanan ng ating Konsulada lalo na sa pagsundo sa Libya at pagsalubong, pagkuha ng tiket, pag-aasikaso habang at hanggang sa makaalis ang mga Pilipino sa Terminals 1 at 2. Dito sa Dubai natin sila dinala bago tuluyang makauwi sa kanilang mga minamahal sa Pilipinas. Pinamunuan ito ni DFA Secretary Albert del Rosario kasama ang mga kawani sa DFA at OUMWA.  Muli ipinakita natin ito bilang pagtugon sa hamon ni Sendong. Sama-sama tayong humakbang para sa buhay ilang araw na ang nakararaan at patuloy pa rin tayo, sa pangunguna ng Philippine Business Council at suporta mula sa FilCom Dubai-NE, sa pangangalap at pagtanggap ng tulong para sa mga kababayan nating nasalanta.

Ang pagdiriwang naman ng pista ay taal na sa ating mga Pilipino sapagkat tayo ay natural na masayahin at tumitingin sa positibong aspeto ng buhay sa kabila ng mga suliranin. Umaasa ako na ang mga inihandang palabas, mga local talents at celebrities na mula pa sa atin at pumunta rito upang magbigay kasiyahan, kasama ang marami pang maging surpresa ay sasapat sa hinahanap nating pista. Masasabi ring bahagi ng pista ang paglipat ng Konsuladang Panlahat at POLO-OWWA sa isang compound. Bukod sa mas malaki at mas maganda ang bago nating lugar para sa higit na dumaraming Pilipino, mas mabilis na rin ang serbisyo sa tulong ng ating bagong website na patuloy na pinag-iibayo ang applications para higit na matugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino. Kasama rin sa dapat ipagsaya ang pagkapanalo ng isa nating kasama dito sa Dubai, si Sister Wafa, bilang isa sa Bagong Bayani noong nakaraang taon.

Binabati ko ang mga opisyal at kasapi ng FIlCom Dubai-NE sa pangunguna sa gawaing ito.

Lubos akong umaasa na patuloy tayong magtutulungan, ako kasama ang buong Konsuladang Panlahat at tayong lahat na bahagi ng Filipino Coomunity sa Dubai at N. Emirates, sa pagpapamalas at pagsasabuhay ng totoo, mabuti, at maganda sa mga Pilipino!

Marami pong salamat!

Benito B. Valeriano, Consul General